Bugtong ng Sabon - Soap

Nagsaing si Totong, bumubula'y walang gatong.


Sagot sa bugtong ng ito ay sabon. Sa bugtong ng sabon na ito, ihinahalintulad ang pagbula ng sabon sa pagbula ng kanin kung ito ay sinasaing. Ang sabon in english is soap, ay ginagamit natin na pampaligo at pang linis ng katawan. Ang sabon ay maaaring sabong pang ligo (ito ang karaniwang hugis kuwadrado o hugis bilog na may iba't ibang halimuyak, maaari rin ang sabon ay nasa tubig na anyo o liquid soaps), sabong pang laba (maaaring hugis bareta o nasa anyong pulbos). Sa kabuuan ang sabon ay napakahalagang imbensyon na tumutulong sa pangkalahatang kalinisan ng tao.

mga sabon panligo

Bugtong ng Kawayan - Bamboo

Nang bata'y sa langit nakatingala, nang tumanda'y yumuko sa lupa.

Sagot sa bugtong na ito, Kawayan, in english bamboo. Ang bugtong ng kawayan ay nilalarawan ang halamang na kapag tumanda na ay tumutungo na ito, dahil sa haba. Ngunit ang kawayan ay napakatibay na halaman. Hindi ito nakakategorya bilang puno, kundi isa itong halaman. Ang kawayan ay makikita sa Asya, mayroon din ito sa Pilipinas, Tsina, Hapon at Malaysia. Napakadaming gamit nga kawayan, sa mga kasangkapan, paggawa ng bahay, kawayang tulay, at kahit ang labong ng kawayan bilang pagkain. Sa Panda naman, ang dahon ng kawayan ay paborito nilang pagkain.

kawayan picture

Bugtong ng Pagong - Turtle

Oo nga at ulang, nasa loob ang katawan. - Unang bugtong ng pagong.
Heto na si Kata, may sunong na dampa. - Ikalawang bugtong sa pagong.

Narito ang halimbawa ng bugtong na kay dali na malaman ang sagot. Ang pagong in english ay turtle ay isang uri ng reptile na may shell. Ang kanyang shell ay napakatigas at nagpoprotekta ito sa pagong sa panganib. Ang mga pagong ay nangingitlog sa lupa. Tinatago niya ang kanyang itlog sa lupa upang protektahan ito. Maaaring lumangoy sa tubig at maglakad sa lupa ang mga pagong. Ngunit ito ay mas mabilis kung ito ay nasa tubig. Karaniwan ng malalaking pagong ay makikita sa tubig. Napakarami din na uri ng pagong sa buong mundo. Sa Pilipinas, mayroon tayong pawikan, sea turtle ito sa Ingles.

pawikan - pagong picture

Bugtong Karayom - Needle

Lumabas, pumasok, dala-dala ay panggapos.


Sagot sa bugtong ay karayom. Sa bugtong ng karayom, ang lumabas at pumasok ay ang sinulid, na inihalintulad sa panggapos. Ang karayom in english ay needle ay isang kagamitan sa pananahi. Ito ay matulis ang dulo, naka disenyo upang panusok sa tatahiin, gaya ng tela. Ang pananahi ay maaaring sa pamamagitan ng kamay o sa pamamagitan ng makina o sewing machine. May butas ang kabilang dulo nito upang pasukan naman ng sinulid na gagamitin sa pananahi o pagbuburda. Ang damit ay nabubuo sa pamamagitan lamang ng ilang kagamitan. Isa na dito ang karayom. May iba't iba ding laki ng karayom sa iba't ibang pangangailangan dito.

karayom picture

Bugtong ng Kasoy - Cashew

Isang prinsesa, nakaupo sa tasa.


Sagot sa bugtong na ito, kasoy. Ang kasoy ay isang bunga na ang buto ay tumutubo sa labas ng prutas. Kung titignan ang larawang ng kasoy, magmumukhang nakaupo ang buto nito sa prutas. Kaya naman ang bugtong ng prinsesa na nakaupo sa tasa ay akma para dito.

kasoy picture


Marami ang pwedeng luto sa kasoy. Isa sa mga lugar sa Pilipinas na marami ang kasoy ay sa Palawan. Kung ikaw ay magbabakasyon o papasyal sa Puerto Princesa o Coron, di mo pwedeng palampasin ang pagkakataon upang ikaw ay mamili ng kasoy at gawing pasalubong. Isang artikulo tungkol sa kasoy mula sa Kasoy in Palawan.

Bugtong ng Tinidor - Fork

Apat na magkakapatid, sabay sabay ng sumisid.

Sagot sa bugtong ay tinidor. Ang bugtong ng tinidor ay inihalintulad sa apat na magkakapatid. Ang apat na patusok nito ang karaniwang ginagamit na pangtusok ng pagkain. Ito din ang kubyertos na karaniwang kaparis ng kutsara na ating ginagamit sa pagkain. Ang tinidor ay karaniwang yari sa bakal. May mga ilang gawa din sa plastic at kahoy.

tinidor picture

Mga Bugtong ng Unan - Pillow

Bugtong Una, Kung araw ay patung-patong, kung gabi'y dugtung-dugtong.
Bugtong Ikalawa, Kabiyak na suman, magdamag kong binantayan.
Bugtong Ikatlo, Isang malaking suman, sandalan at himlayan.

Bugtong ng Unan ay may mga tatlong halimbawa ng bugtong tayong naipon para dito. Ang unan in english ay pillow. Ito ay kadalasang gawa sa bulak o cotton ngunit napakadami at iba't iba pang uri ng unan bukod dito. Ang unan ay ginagawang komportable ang ating pagtulog sa pamamagitan ng pagsuporta sa ulo at leeg.

unan picture

Mga bugtong ng Banig | Mat

Bugtong ng Banig, or ang Banig in English ay mat, ay may tatlong halimbawa akong nakalap, ito ang mga sumusunod na bugtong para sa banig. Tatlong bugtong ng banig.

Nakalatag kung gabi, kung araw ay nakatabi.
Kung gabi ay dahon, kung araw ay bumbong.
Kung nakatindig ay kawayan, kung nakabuka'y karagatan.


 banig picture


Ang banig ay isang uri ng hinabing tela mula sa napakaraming mapagkukuhanan ng materyales. Ito ay karaniwang makulay at maaaring ginagamit sa pagtulog bilang pansapin sa sahig upang proteksyonan tayo sa lamig. Ito ay parte ng depinisyon ng banig mula sa wikipedia.


"A Banig is a handwoven mat usually used in East Asia and Philippines for sleeping and sitting. This type of mat was traditionally made in the Philippines. Although has been more widely used too.
Technically, it is not a textile. Depending on the region of the Philippines, the mat is made of buri (palm), pandan or sea grass leaves. The leaves are dried, usually dyed, then cut into strips and woven into mats, which may be plain or intricate."

Bugtong: Mga bugtong ng Bintana

Kung araw ay humayo ka, kung gabi ay halika.


Kung araw ay buka, kung gabi ay sara.

Ang bintana in English is window. Isang napakadaling bugtong ito na ang sagot ay bintana. Ang bintana ay makikita sa ating mga bahay at iba pang establisamento. Ang bintana ay karaniwang binubuksan sa araw kung kailan ang mga tao ay gising. Ito din ay para dumaloy ang hangin sa bahay upang tayo ay mapreskuhan. Sa gabi naman ay kailangan nating isara ito upang protektuhan tayo sa mga insekto tulad ng lamok. Ang pagsasara ng bintana sa gabi ay simbulo din ng pag-iingat. Kung i translate natin ang bugtong sa Ingles ito ay magiging.

If in daytime you just go on, but if it is nighttime then come here.


If in daytime it is open, in nighttime it is closed.


larawan ng bintana

Bugtong ng Hangin-Wind

Bugtong
Heto na! heto na! hindi mo pa nakikita.

sagot sa bugtong na ito. Hangin o wind sa salitang english.Ang hangin ay sinasabi sa bugtong na ito na heto na ngunit di mo pa nakikita ay dahil sa ang hangin ay walang kulay o amoy kung ito ay nasa payak nitong anyo. Ang bugtong na ito ay isa sa mga personal kong paborito sa iba't ibang bugtong.Ang hangin ay karaniwang may iba't ibang elemento ng gas. Isa na dito ang ating nilalanghap na oxygen.

larawan ng hangin

Mga Bugtong ng Kandila-Candle

Kandila, unang halimbawa ng bugtong:
Kung kailan pinatay, saka humaba ang buhay.

Kandila, ikalawang halimbawa ng bugtong:
May katawan walang muka, walang mata'y lumuluha.

Sa mga Bugtong, na isa sa una kong narinig, ang bugtong ng kandila ang isa sa medyo natagalan bago ko nasagot. Kung iisipin kasi, ng pinatay, ay lalo pang humaba ang buhay.



Kandila o candle ay karaniwang gawa sa wax, ang hugis nito ay pahaba at may lubid sa gitna. Ito ay nagbibigay ng liwanag at init. Ang mga kandila ay ginagamit sa iba't ibang okasyon at ginagamit din sa mga banal na pagdiriwang, at mga paniniwala. Kung brownout naman, o walang kuryente, ito ang karaniwang itong nagbibigay ng liwanag sa ating mga tahanan. Konting ingat po lamang at huwag nating hahayaang nakabukas ang kandila lalo na kung tayo ay matutulog na. Mayroon akong nakitang bugtong ng kandila ngunit ito ay isang tula. Makikita ito sa link na iyan.

Bugtong sa Gunting

Heto na si Kaka bubuka bukaka.

 Another widely known pinoy bugtong. The answer to this pinoy riddle is scissors.

Kilalang kilala ang bugtong sa gunting. Isa ito sa pinaka karaniwang bugtong. Ang gunting ay isang mahalaga at kapaki pakinabang na kagamitan o kasangkapan na ginagamit pang gupit o pang putol. Ang mga karaniwan at kilalang uri natin ay ang mga sumusunod. Gunting na pang eskwela, ito ay ang mga pina pang gupit ng papel at ang materyales ay malamang na gawa sa plastik. Gunting na pang gupit ng buhok - makikita sa mga barberya at parlor. Gunting na panggupit ng tela, makikita sa mga patahian o sa mga sastre. Gunting pang halaman, gunting de yero at iba pa. Ano man ang iyong kailangang gupitin, kayang kaya yan ng gunting!

Mga Bugtong sa Anino

Mga Bugtong para sa Anino. May tatlong halimbawa ng bugtong para sa salitang anino o shadow sa salitang english. We have here, three examples of a filipino bugtong for the word shadow.

Heto ang mga bugtong

Kasama-sama ko siya, saan man ako magpunta.

Maikling landasin, di maubos lakarin.


Tapat kong alipin, sunud-sunuran sa akin.

Bugtong ng Bibig

Bugtong ng Bibig

Filipino Riddle, here is another popular one. It goes like this.

Isang Balong Malalim, punong puno ng patalim.







The answer to the riddle, BIBIG or mouth when we translate the tagalog word to English. Ang bibig kung titignan ang metaporya nito sa balon ay mukha itong balon kung nakanganga. Ang mga patalim naman ay inihahantulad sa ngipin. Ang bibig o bunganga ay parte ng ulo at nasa grupo ng labi, dila, at ngipin. Ang bibig ay ginagamit ng tao sa pagkain sa tulong ng ngipin sa pagnguya. Ang bibig ay ginagamit din sa pagsasalita na karaniwang ginagamit ng tao sa komunikasyon.

Bibig Definition at Wikipedia

Bugtong - Pako

Another bugtong with answer. Bugtong ng Pako, Nagtago si Pedro, nakalabas ang ulo. Sagot sa filipino bugtong na ito, Pako (pangkabit). Ang pako sa salitang tagalog o nail sa english ay isang uri ng materyales na ginagamit sa pamamagitan ng pagmartilyo nito sa isang bagay upang kumapit sa isa pang bagay. Ito ay karaniwang bakal na may tulis na dulo na ibinabaon gamit ang martilyo o ang baril na pangpako. Karaniwan ding mas maganda ang uri ng pako kung ito ay hindi kinakalawang.

Definition ng Pako sa Filipino.
http://tl.wikipedia.org/wiki/Pako_%28pangkabit%29

Bugtong - Damit

Bugtong ng Damit
Isa ang pasukan, tatlo ang labasan

Bugtong bugtong, ang sagot sa halimbawa ng bugtong na ito ay damit. Ang damit ay isang kasuotan o "clothing" na katulad ng "shirt" o "t-shirt". Ang damit ay isa sa mga karaniwan na suot ng mga Pilipino. Ito ay karaniwang nakaka presko at malamig sa pakiramdam. Maaari itong may manggas, butones o di kaya ay kuwelyo. Kung tayo ay nagsusuot ng damit, ang ating ulo at mga kamay ang unang pumapasok sa damit. Lalabas sa mga butas ng damit ang dalawang kamay at ulo. Ito ang isa pang halimbawa ng bugtong , ang bugtong ng sumbrero.

Bugtong - Sumbrero

Ang Bugtong ng Sumbrero
Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.

Ang Sumbrero ay isang bagay na karaniwang ginagamit para proteksyonan ang ulo sa init ng araw. Ginagamit ito sa halos pang araw araw na buhay ng tao. Maihahalintulad ito sa "cap", "sombrero" at "hat"

Mga Bugtong - Ano ang Bugtong

Ang mga bugtong sa Panitikan ng mga pilipino ay pahulaan ng isang sagot sa pamamagitan ng paghahambing ng bagay o ideya sa isang pangungusap o parirala. Nakatago ang kahulugan ng pinahuhulaang bugtong ngunit ito ay masasagot sa pamamagitan ng mga bagay na nakalaad mismo sa bugtong. Isa itong palaisipan na susubukan ang iyong galing sa pagdiskubre ng pag kaka ugnay ugnay ng mga salita na nilalamang ng isang bugtong

Bugtong Bugtong

Custom Search

Bugtong ka blog