Mga Bugtong ng Kandila-Candle

Kandila, unang halimbawa ng bugtong:
Kung kailan pinatay, saka humaba ang buhay.

Kandila, ikalawang halimbawa ng bugtong:
May katawan walang muka, walang mata'y lumuluha.

Sa mga Bugtong, na isa sa una kong narinig, ang bugtong ng kandila ang isa sa medyo natagalan bago ko nasagot. Kung iisipin kasi, ng pinatay, ay lalo pang humaba ang buhay.



Kandila o candle ay karaniwang gawa sa wax, ang hugis nito ay pahaba at may lubid sa gitna. Ito ay nagbibigay ng liwanag at init. Ang mga kandila ay ginagamit sa iba't ibang okasyon at ginagamit din sa mga banal na pagdiriwang, at mga paniniwala. Kung brownout naman, o walang kuryente, ito ang karaniwang itong nagbibigay ng liwanag sa ating mga tahanan. Konting ingat po lamang at huwag nating hahayaang nakabukas ang kandila lalo na kung tayo ay matutulog na. Mayroon akong nakitang bugtong ng kandila ngunit ito ay isang tula. Makikita ito sa link na iyan.

Bugtong sa Gunting

Heto na si Kaka bubuka bukaka.

 Another widely known pinoy bugtong. The answer to this pinoy riddle is scissors.

Kilalang kilala ang bugtong sa gunting. Isa ito sa pinaka karaniwang bugtong. Ang gunting ay isang mahalaga at kapaki pakinabang na kagamitan o kasangkapan na ginagamit pang gupit o pang putol. Ang mga karaniwan at kilalang uri natin ay ang mga sumusunod. Gunting na pang eskwela, ito ay ang mga pina pang gupit ng papel at ang materyales ay malamang na gawa sa plastik. Gunting na pang gupit ng buhok - makikita sa mga barberya at parlor. Gunting na panggupit ng tela, makikita sa mga patahian o sa mga sastre. Gunting pang halaman, gunting de yero at iba pa. Ano man ang iyong kailangang gupitin, kayang kaya yan ng gunting!

Mga Bugtong sa Anino

Mga Bugtong para sa Anino. May tatlong halimbawa ng bugtong para sa salitang anino o shadow sa salitang english. We have here, three examples of a filipino bugtong for the word shadow.

Heto ang mga bugtong

Kasama-sama ko siya, saan man ako magpunta.

Maikling landasin, di maubos lakarin.


Tapat kong alipin, sunud-sunuran sa akin.

Bugtong ng Bibig

Bugtong ng Bibig

Filipino Riddle, here is another popular one. It goes like this.

Isang Balong Malalim, punong puno ng patalim.







The answer to the riddle, BIBIG or mouth when we translate the tagalog word to English. Ang bibig kung titignan ang metaporya nito sa balon ay mukha itong balon kung nakanganga. Ang mga patalim naman ay inihahantulad sa ngipin. Ang bibig o bunganga ay parte ng ulo at nasa grupo ng labi, dila, at ngipin. Ang bibig ay ginagamit ng tao sa pagkain sa tulong ng ngipin sa pagnguya. Ang bibig ay ginagamit din sa pagsasalita na karaniwang ginagamit ng tao sa komunikasyon.

Bibig Definition at Wikipedia

Bugtong - Pako

Another bugtong with answer. Bugtong ng Pako, Nagtago si Pedro, nakalabas ang ulo. Sagot sa filipino bugtong na ito, Pako (pangkabit). Ang pako sa salitang tagalog o nail sa english ay isang uri ng materyales na ginagamit sa pamamagitan ng pagmartilyo nito sa isang bagay upang kumapit sa isa pang bagay. Ito ay karaniwang bakal na may tulis na dulo na ibinabaon gamit ang martilyo o ang baril na pangpako. Karaniwan ding mas maganda ang uri ng pako kung ito ay hindi kinakalawang.

Definition ng Pako sa Filipino.
http://tl.wikipedia.org/wiki/Pako_%28pangkabit%29

Bugtong Bugtong

Custom Search

Bugtong ka blog