Kandila, unang halimbawa ng bugtong:
Kung kailan pinatay, saka humaba ang buhay.Kandila, ikalawang halimbawa ng bugtong:
May katawan walang muka, walang mata'y lumuluha.
Sa mga Bugtong, na isa sa una kong narinig, ang bugtong ng kandila ang isa sa medyo natagalan bago ko nasagot. Kung iisipin kasi, ng pinatay, ay lalo pang humaba ang buhay.
Kandila o candle ay karaniwang gawa sa wax, ang hugis nito ay pahaba at may lubid sa gitna. Ito ay nagbibigay ng liwanag at init. Ang mga kandila ay ginagamit sa iba't ibang okasyon at ginagamit din sa mga banal na pagdiriwang, at mga paniniwala. Kung brownout naman, o walang kuryente, ito ang karaniwang itong nagbibigay ng liwanag sa ating mga tahanan. Konting ingat po lamang at huwag nating hahayaang nakabukas ang kandila lalo na kung tayo ay matutulog na. Mayroon akong nakitang bugtong ng kandila ngunit ito ay isang tula. Makikita ito sa link na iyan.
No comments:
Post a Comment