Bugtong Karayom - Needle

Lumabas, pumasok, dala-dala ay panggapos.


Sagot sa bugtong ay karayom. Sa bugtong ng karayom, ang lumabas at pumasok ay ang sinulid, na inihalintulad sa panggapos. Ang karayom in english ay needle ay isang kagamitan sa pananahi. Ito ay matulis ang dulo, naka disenyo upang panusok sa tatahiin, gaya ng tela. Ang pananahi ay maaaring sa pamamagitan ng kamay o sa pamamagitan ng makina o sewing machine. May butas ang kabilang dulo nito upang pasukan naman ng sinulid na gagamitin sa pananahi o pagbuburda. Ang damit ay nabubuo sa pamamagitan lamang ng ilang kagamitan. Isa na dito ang karayom. May iba't iba ding laki ng karayom sa iba't ibang pangangailangan dito.

karayom picture

No comments:

Post a Comment