Mga bugtong ng Banig | Mat

Bugtong ng Banig, or ang Banig in English ay mat, ay may tatlong halimbawa akong nakalap, ito ang mga sumusunod na bugtong para sa banig. Tatlong bugtong ng banig.

Nakalatag kung gabi, kung araw ay nakatabi.
Kung gabi ay dahon, kung araw ay bumbong.
Kung nakatindig ay kawayan, kung nakabuka'y karagatan.


 banig picture


Ang banig ay isang uri ng hinabing tela mula sa napakaraming mapagkukuhanan ng materyales. Ito ay karaniwang makulay at maaaring ginagamit sa pagtulog bilang pansapin sa sahig upang proteksyonan tayo sa lamig. Ito ay parte ng depinisyon ng banig mula sa wikipedia.


"A Banig is a handwoven mat usually used in East Asia and Philippines for sleeping and sitting. This type of mat was traditionally made in the Philippines. Although has been more widely used too.
Technically, it is not a textile. Depending on the region of the Philippines, the mat is made of buri (palm), pandan or sea grass leaves. The leaves are dried, usually dyed, then cut into strips and woven into mats, which may be plain or intricate."

Bugtong: Mga bugtong ng Bintana

Kung araw ay humayo ka, kung gabi ay halika.


Kung araw ay buka, kung gabi ay sara.

Ang bintana in English is window. Isang napakadaling bugtong ito na ang sagot ay bintana. Ang bintana ay makikita sa ating mga bahay at iba pang establisamento. Ang bintana ay karaniwang binubuksan sa araw kung kailan ang mga tao ay gising. Ito din ay para dumaloy ang hangin sa bahay upang tayo ay mapreskuhan. Sa gabi naman ay kailangan nating isara ito upang protektuhan tayo sa mga insekto tulad ng lamok. Ang pagsasara ng bintana sa gabi ay simbulo din ng pag-iingat. Kung i translate natin ang bugtong sa Ingles ito ay magiging.

If in daytime you just go on, but if it is nighttime then come here.


If in daytime it is open, in nighttime it is closed.


larawan ng bintana

Bugtong ng Hangin-Wind

Bugtong
Heto na! heto na! hindi mo pa nakikita.

sagot sa bugtong na ito. Hangin o wind sa salitang english.Ang hangin ay sinasabi sa bugtong na ito na heto na ngunit di mo pa nakikita ay dahil sa ang hangin ay walang kulay o amoy kung ito ay nasa payak nitong anyo. Ang bugtong na ito ay isa sa mga personal kong paborito sa iba't ibang bugtong.Ang hangin ay karaniwang may iba't ibang elemento ng gas. Isa na dito ang ating nilalanghap na oxygen.

larawan ng hangin