Bugtong ng Sabon - Soap

Nagsaing si Totong, bumubula'y walang gatong.


Sagot sa bugtong ng ito ay sabon. Sa bugtong ng sabon na ito, ihinahalintulad ang pagbula ng sabon sa pagbula ng kanin kung ito ay sinasaing. Ang sabon in english is soap, ay ginagamit natin na pampaligo at pang linis ng katawan. Ang sabon ay maaaring sabong pang ligo (ito ang karaniwang hugis kuwadrado o hugis bilog na may iba't ibang halimuyak, maaari rin ang sabon ay nasa tubig na anyo o liquid soaps), sabong pang laba (maaaring hugis bareta o nasa anyong pulbos). Sa kabuuan ang sabon ay napakahalagang imbensyon na tumutulong sa pangkalahatang kalinisan ng tao.

mga sabon panligo

Bugtong ng Kawayan - Bamboo

Nang bata'y sa langit nakatingala, nang tumanda'y yumuko sa lupa.

Sagot sa bugtong na ito, Kawayan, in english bamboo. Ang bugtong ng kawayan ay nilalarawan ang halamang na kapag tumanda na ay tumutungo na ito, dahil sa haba. Ngunit ang kawayan ay napakatibay na halaman. Hindi ito nakakategorya bilang puno, kundi isa itong halaman. Ang kawayan ay makikita sa Asya, mayroon din ito sa Pilipinas, Tsina, Hapon at Malaysia. Napakadaming gamit nga kawayan, sa mga kasangkapan, paggawa ng bahay, kawayang tulay, at kahit ang labong ng kawayan bilang pagkain. Sa Panda naman, ang dahon ng kawayan ay paborito nilang pagkain.

kawayan picture

Bugtong ng Pagong - Turtle

Oo nga at ulang, nasa loob ang katawan. - Unang bugtong ng pagong.
Heto na si Kata, may sunong na dampa. - Ikalawang bugtong sa pagong.

Narito ang halimbawa ng bugtong na kay dali na malaman ang sagot. Ang pagong in english ay turtle ay isang uri ng reptile na may shell. Ang kanyang shell ay napakatigas at nagpoprotekta ito sa pagong sa panganib. Ang mga pagong ay nangingitlog sa lupa. Tinatago niya ang kanyang itlog sa lupa upang protektahan ito. Maaaring lumangoy sa tubig at maglakad sa lupa ang mga pagong. Ngunit ito ay mas mabilis kung ito ay nasa tubig. Karaniwan ng malalaking pagong ay makikita sa tubig. Napakarami din na uri ng pagong sa buong mundo. Sa Pilipinas, mayroon tayong pawikan, sea turtle ito sa Ingles.

pawikan - pagong picture

Bugtong Karayom - Needle

Lumabas, pumasok, dala-dala ay panggapos.


Sagot sa bugtong ay karayom. Sa bugtong ng karayom, ang lumabas at pumasok ay ang sinulid, na inihalintulad sa panggapos. Ang karayom in english ay needle ay isang kagamitan sa pananahi. Ito ay matulis ang dulo, naka disenyo upang panusok sa tatahiin, gaya ng tela. Ang pananahi ay maaaring sa pamamagitan ng kamay o sa pamamagitan ng makina o sewing machine. May butas ang kabilang dulo nito upang pasukan naman ng sinulid na gagamitin sa pananahi o pagbuburda. Ang damit ay nabubuo sa pamamagitan lamang ng ilang kagamitan. Isa na dito ang karayom. May iba't iba ding laki ng karayom sa iba't ibang pangangailangan dito.

karayom picture

Bugtong ng Kasoy - Cashew

Isang prinsesa, nakaupo sa tasa.


Sagot sa bugtong na ito, kasoy. Ang kasoy ay isang bunga na ang buto ay tumutubo sa labas ng prutas. Kung titignan ang larawang ng kasoy, magmumukhang nakaupo ang buto nito sa prutas. Kaya naman ang bugtong ng prinsesa na nakaupo sa tasa ay akma para dito.

kasoy picture


Marami ang pwedeng luto sa kasoy. Isa sa mga lugar sa Pilipinas na marami ang kasoy ay sa Palawan. Kung ikaw ay magbabakasyon o papasyal sa Puerto Princesa o Coron, di mo pwedeng palampasin ang pagkakataon upang ikaw ay mamili ng kasoy at gawing pasalubong. Isang artikulo tungkol sa kasoy mula sa Kasoy in Palawan.

Bugtong ng Tinidor - Fork

Apat na magkakapatid, sabay sabay ng sumisid.

Sagot sa bugtong ay tinidor. Ang bugtong ng tinidor ay inihalintulad sa apat na magkakapatid. Ang apat na patusok nito ang karaniwang ginagamit na pangtusok ng pagkain. Ito din ang kubyertos na karaniwang kaparis ng kutsara na ating ginagamit sa pagkain. Ang tinidor ay karaniwang yari sa bakal. May mga ilang gawa din sa plastic at kahoy.

tinidor picture

Mga Bugtong ng Unan - Pillow

Bugtong Una, Kung araw ay patung-patong, kung gabi'y dugtung-dugtong.
Bugtong Ikalawa, Kabiyak na suman, magdamag kong binantayan.
Bugtong Ikatlo, Isang malaking suman, sandalan at himlayan.

Bugtong ng Unan ay may mga tatlong halimbawa ng bugtong tayong naipon para dito. Ang unan in english ay pillow. Ito ay kadalasang gawa sa bulak o cotton ngunit napakadami at iba't iba pang uri ng unan bukod dito. Ang unan ay ginagawang komportable ang ating pagtulog sa pamamagitan ng pagsuporta sa ulo at leeg.

unan picture

Bugtong Bugtong

Custom Search

Bugtong ka blog